Hm
Hm
Hm
Matagal ko nang inaasam ang tunay
Totoong kumikinang na pag-ibig
Kaliwa't kanang huwad pala ang kulay
Ng mapagsamantala nilang daigdig
At nang sumilay ang sinag
Na parang araw ang sikat
Nagniningning umiilaw
Walang iba kun'di ikaw
Diamante ang pag-ibig mo
Kampante diyan sa piling mo
Diamante tulad ng bituin
Brilyante sa aking paningin
S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin
Kislap ng 'yong liwanag
Ay busilak mong tinataglay
Nililok sa pagmamahal
Matibay at magtatagal
Diamante ang pag-ibig mo
Kampante diyan sa piling mo
Diamante tulad ng bituin
Brilyante sa aking paningin
S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin oh oh oh oh
S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin
Matagal ko nang inaasam ang tunay
Totoong kumikinang na pag-ibig