Repabllikan Luha Скачать

Repabllikan Luha

Repabllikan

Luha

29 прослушиваний
04:48
Все треки Repabllikan Текст песни
Слушать
Скачать песню

Текст песни «Luha»

Repabllikan

Repablikan Records Syndicate Production

Magpaparaya na ako, dahil hindi ako gusto ng mahal ko
Sinubukang habulin ka, akala ko'y magagawa
Pero bakit gano'n, pinagpalit ako sa tropa ko?
Harap-harapang niloko, ginago mo ang tulad ko
Sana malimot na kita

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya
Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga
Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko
Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo

Sa pagpatak ng mga aking luha
Na iniingat-ingatan ko, pagsasama natin
Parang 'di na makakalayo ang pagitan ng damdamin natin
Sa isa't isa, tila ba walang makakapigil sa 'ting dalawa
At bigla ka sa 'king nagtapat
Na nais mong sabihin na mayro'n kang iba
At 'yan, noon mo pa nilihim, pinaniwala mo ako
Sa 'yong mga pangako na kailanman ako sa 'yo hindi mabibigo

Umaasa na ako pa rin ang pipiliin mo
Kahit alanganin ang lagay ko diyan sa puso mo
Basta bigkasin mo lang na mahal mo pa ako
Tatanggapin ko 'yan kahit na hindi 'to totoo
Ang pagmamahal na binigay
Ay nasayang lang ng sinumpaan
Pinangako natin dalawa sa harap ng Maylalang

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya
Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga
Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko
Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo

Parang ayoko nang ipagpatuloy pa
Ang buhay kong ito kung lolokohin, gagaguhin lang naman ako
Ng babaeng inalayan, nilaanan nang husto
Kahit katangahan, iningatan ang katulad mo
Kasi ayoko lang mawawala ka sa 'kin
Dahil 'di ko kakayanin ang mga bagay
Minsan nang naagaw na sa akin, tinuring kong sa akin
At nag-iisa ka sa 'kin, ngunit pag-ibig mo, hindi pala para sa akin

Nasayang lang itong aking damdamin
Na kailanman, sa 'yo naging tapat
At para sa 'yo, hindi naging sapat
Aking pagmamahal na 'di humihingi ng ano man na kapalit
Pagmamahal na hinangad, bakit sa 'kin pinagkait?
Kung kailan ko pa naramdaman ang lahat ng mga 'to
Saka pa nawala ka sa tabi ko

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya
Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga
Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko
Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya
Na limutin ka at iwan ka, dahil ikaw lang talaga
Ako'y nagmahal nang todo, pero ako'y niloko
Sana ngayon ay mahalin at huwag mong lokohin, please, 'yung bago mo

На странице доступен трек Luha от Repabllikan (04:48). Слушайте онлайн или загрузите в mp3 в один клик бесплатно на свое устройство — выше есть текст песни.

Другие песни Repabllikan

Свежее на Muzfrog

Все новинки →