Pricetagg Pahina (Feat. Gloc-9 & Jp Bacallan) Скачать

Pricetagg Pahina (Feat. Gloc-9 & Jp Bacallan)

Pricetagg

Pahina (Feat. Gloc-9 & Jp Bacallan)

20 прослушиваний
05:19
Все треки Pricetagg Текст песни
Слушать
Скачать песню

Текст песни «Pahina (Feat. Gloc-9 & Jp Bacallan)»

Pricetagg

Mark Beats (Mark Beats, Mark Beats, Mark Beats)

Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog, nilulunok na lang 'yung hangin
At isipin na busog, baka bukas pa papalarin

Maalat ang diskarte kaya ulam, tuyo at daing
Mainit na kape, sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon, alam mo na ang sulat at sugat ko'y malalim

Inisip lang pagsubok 'to, hanggang kailan 'to tatagal?
Hanggang daga sa 'king dibdib, unti-unting natatanggal
Bakal na puso ko, pa'no 'ko magmamahal?
Natutulog ba ang Diyos kaya pa'no 'ko magdadasal? (Yeah)

Bubuksan ko, pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata, handa na ang lagda ko
Sa 'kin ang titulo ng hinahangad kong palasyo

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala sa paligid ko
Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
At mas sisipagan ko pa kahit maubusan pa 'ko ng hininga
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa

Subukan nating bumalik (bumalik)
Sa bawat daan na matinik (matinik)
Kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik

Kami pailan-ilan noon (pailan-ilan)
Mga tagaigib sa balon (panahon pa noon)
Mababaw man o malalim, palarin man o malasin
Ay nakahanda na tumalon (tumalon)

Sa bangin man o sa tulay (sa tulay)
Madilim at walang gabay (walang gabay)
Lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay, makita lang sa 'king kamay

Kahit maputik, hatak sa lubid
Laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali, sige, umulit
Sa bagong papel, pangarap mo'y iguhit

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala sa paligid ko
Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
At mas sisipagan ko pa kahit maubusan pa 'ko ng hininga
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa

Naging bulag, pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili, sa'n ba 'to mapupunta?
Rehab, kulungan, kamatayan, mamili ka

Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel, lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan

Mga pikit ang pananaw, may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay, unti-unti ko nang matitikman
Nasa'n korona? Ang ulo ko ay lalagyan
Alam mo'y ikaw ay hari ng sarili mong kaharian

Tawid-dagat, nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalas din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala sa paligid ko
Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
At mas sisipagan ko pa kahit maubusan pa 'ko ng hininga
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga, 'di na para ako ay tumigil pa

На странице доступен трек Pahina (Feat. Gloc-9 & Jp Bacallan) от Pricetagg (05:19). Слушайте онлайн или загрузите в mp3 в один клик бесплатно на свое устройство — выше есть текст песни.

Другие песни Pricetagg

Все 16 треков

Свежее на Muzfrog

Все новинки →